Home NATIONWIDE ETEEAP law magbibigay sa mga mag-aaral ng professional standards sa kanilang degrees...

ETEEAP law magbibigay sa mga mag-aaral ng professional standards sa kanilang degrees – PBBM

302
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG -DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Law ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na ma-meet ang professional standards ng kanilang napiling degree.

Sinabi ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad ng implementing rules and regulations ng ETEEAP Law.

“By encouraging higher education institutions to adopt flexible approaches such as online learning, we respond to various backgrounds, life experiences, and learning styles of the ETEEAP applicants,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Winika ng Pangulo na ang batas ay “gives our fellows who were not able to finish college a second chance.”

“Beyond saving on tuition, books, and time away from work, this law opens doors to higher positions, better income, and more professional opportunities,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, para sa implementasyon ng batas, igigiit ng Commission on Higher Education na ang higher education institutions na may academic degrees ay mabuksan para sa ETEEAP.

Samantala, ang higher education institutions na gagamitin ng CHED ay may mandato na i-develop ang malinaw na polisiya, mga pamamaraan at proseso para sa implementasyon ng ETEEAP.

Tinuran pa ng Pangulo na sa pamamagitan ng batas, nakamit ng bansa ang malinaw at nakabalangkas na paraan para kilalanin ang paunang pag-aaral ng mga indibiduwal, maging ito ay mula sa mga taon ng trabaho o dahil itinuro nila sa kanilang sarili ang mga kasanayang ito at tumbasan ito akademikong pagkakapantay-pantay.

“This would provide support to caregivers, mechanics, technicians, and entrepreneurs—people who have long proven their skill, but who now get the recognition that they properly deserve,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“This leads to the development of stronger industries, a more competitive workforce, a more inclusive path to progress,” aniya pa rin.

Samantala, tinintahan ang batas noong nakaraang Marso 5. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here