Home NATIONWIDE Atty. Respicio naghain ng piyansa sa kasong isinampa ng Comelec

Atty. Respicio naghain ng piyansa sa kasong isinampa ng Comelec

MANILA, Philippines – Nakapagpiyansa na sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 34 si Atty. Harold Respicio kaugnay sa kasong isinampa ng Commission on Elections (Comelec) laban sa kanya.

Si Respicio ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa cyber crime prevention act.

Kaugnay ito sa naging pahayag ng abogado na kaya niyang manipulahin ang resulta ng halalan.

Sinabi ni Respicio na pirmado na kasi ang warrant sa kanyang kaso kaya’t nagdesisyon siyang maghain ng piyansa bago pa maipatupad ang warrant.

Nasa P32,000 o kabuuang P64,000 ang piyansa para sa dalawang bilang ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code salig sa Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Nanindigan si Respicio, na kapag hindi audited ang software at konektado sa internet ang automated counting machine, hindi maaaring pagkatiwalaan ang resulta ng Comelec.

Si Respicio ay nagwaging kandidato sa pagka-bise alkalde ng Reina Mercedes sa Isabela.

Nauna nang nanindigan ang Comelec na sapat ang safeguards nila para maiwasan ang hacking at maproteksyunan ang resulta ng eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden