Home HOME BANNER STORY Espinosa pumalag kay Gomez: Ambush incident ‘di acting

Espinosa pumalag kay Gomez: Ambush incident ‘di acting

MANILA, Philippines – Sinagot ni Kerwin Espinosa, mayoral candidate ng Albuera, Leyte, ang mga komento ni Leyte Representative Richard Gomez, na sinabing ang pinakahuling shooting incident sangkot si Espinosa ay gawa-gawa lamang.

“Hindi naman ‘to acting. Hindi naman ako tulad sa kanya na artista eh,” ani Espinosa.

Kinwestyon ni Espinosa ang umano’y presensya ng mga pulis-Ormoc sa lugar ng insidente.

“Bakit nandoon ang mga kapulisan niya? City director pa ang nandoon at mga intel. Sagutin mo ‘yun, Richard Gomez, bakit nandoon? Inutusan mo ba?” tanong ni Espinosa.

“Honestly, para sa akin scripted ‘yung ambush me. Ang pangit ng acting, ang pangit ng pagkagawa,” matatandaang sinabi ni Gomez kamakailan.

Bagama’t wala pang tugon si Gomez sa sinabi ni Espinosa, sinabi ng una na nangangalap pa siya ng impormasyon kaugnay sa insidente.

Nanindigan si Espinosa na ang pinakahuling pag-atake sa kanya ay ‘politically motivated.’

Siya ay tumatakbo laban kay Leyte Board Member Vince Rama, na sinabi ni Espinosa na kasal kay Karen Torres—kapatid ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez, na asawa naman ni Richard Gomez.

Matatandaan na binaril si Espinosa habang nangangampanya noong Huwebes.

Pitong miyembro ng Ormoc Police ang tinukoy bilang persons of interest.

“Technically, they were not at the crime scene, and there is currently no direct evidence or testimony identifying who among them may have been involved,” ayon kay Police Colonel Dionisio DC Apas Jr., director ng Leyte Provincial Police Office.

Inalis sa pwesto si Police Colonel Reydante Ariza, hepe ng Ormoc City Police, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Ang Leyte Police Provincial Office, it is committed to a thorough, evidence-based, and impartial investigation based on established policies,” pahayag ni Police Lieutenant Mary Antonette Espina, spokesperson ng Leyte PPO. RNT/JGC