Home NATIONWIDE Estado ng PH healthcare system tatalakayin ni Bong Go

Estado ng PH healthcare system tatalakayin ni Bong Go

313
0

MANILA, Philippines – Magpapatawag si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ng pampublikong pagdinig sa Hunyo 3, para talakayin ang mga isyu sa sistemang pangkalusugan sa bansa, partikular ang mga kasalukuyan at lumilitaw na mga sakit.

Ang hakbang ni Go ay kasunod ng pagpapairal ng ilang local government units ng preventive protocols sa gitna ng pag-usbong ng mga kaso ng mpox, partikular sa Mindanao, gaya ng South Cotabato, at iba pag bahagi ng bansa.

Idiniin ni Go na mahalaga ang maagap at mabilis na interbensyon ng pamahaalaan sa isyung ito, lalo sa mga komunidad na kulang o walang access sa medical care.

“Sa panahon ngayon, hindi natin pwedeng balewalain ang kahit anong banta sa kalusugan. Mas mabuti na ‘yung maagap kaysa manghinayang tayo kapag huli na ang lahat,” sabi ni Go.

“Tapos na po ang eleksyon. Tigil na pulitika. Trabaho na tayo. Uunahin natin ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino,” idinagdag niya.

Bukod sa disease surveillance at outbreak response, gigisahin sa pagdinig ang kahandaan ng bansa sa pagtugon sa dumaraming kaso ng COVID-19 saAsia, United States, at ilang bahagi ng Europe.

Aalamin din kung ano ang kasalukuyang preventive strategies at contingency measures na ginagawa ng Department of Health (DOH).

Samantala, inaasahang bibigyang atensyon din ni Go sa pagdinig ang huling report na pagtataas ng Private Hospitals Association of the Philippines nang 15% sa hospitalization rates.

Dahil dito ay muling napukaw ang muling panawagan para sa patuloy na makabuluhang reporma sa PhilHealth.

Kabilang din sa adyenda ang concerns ukol sa bayaring P6.8 billion na nakaapela at nakabimbin para sa Health Emergency Allowance (HEA), estado ng implementasyon ng mga pangunahing health infrastructure projects, gaya ng Super Health Centers, pagtiyak sa patuloy na operational ng Malasakit Centers at sapat na tulong-medikal sa mahihirap na pasyente.

“For my second term, with all sincerity, I will continue to push for pro-poor programs and laws, especially on health. Health is wealth. We must collaborate to bring quality medical services closer to our people, particularly the poor and indigent patients. Ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino,” idiniin ni Go. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here