CITY OF ILAGAN, Isabela -Bagsak sa kulungan ang isang estudyante na tulak ng iligal na droga o marijuana na nagkakahalaga ng P120,000.00 matapos mahuli sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. San Felipe, City of Ilagan, Isabela.
Sa ipinaigting na kampanya sa illegal drugs ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nahuli ang 18-anyos na lalaki, estudyante, at residente rin sa dito nasabing lungsod.
Ayon kaybPLtCol. Jeffrey Raposas, hepe ng Ilagan City Police Station ang suspek ay kabilang sa listahan bilang Street Level Individual at ito ang unang pagkakataon na naugnay ang binata sa ipinagbabawal na gamot.
Nasamsam sa suspek ang isang bloke ng pinatuyong dahon ng Marijuana na isinilid sa isang brown envelope at tumitimbang higit kumulang isang kilogramo at may standard drug price na Php 120,000.00.
Maliban dito ay narekober din ang perang ginamit na boodle money, ios na cellphone, at yamaha Nmax na motorsiklo.
Nahaharap ang estudyante sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO