Home METRO Rider sugatan sa salpok ng SUV sa Iloilo

Rider sugatan sa salpok ng SUV sa Iloilo

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang rider matapos na mabangga ng sports utility vehicle (SUV) ang kanyang motorsiklo sa intersection sa Jaro, Iloilo City.

Nawalan ng malay at nagtamo ng pinsala sa ulo ang rider matapos na masira ang kanyang helmet.

Sumuko naman ang SUV driver sa mga awtoridad.

Ayon sa imbestigador, natakot ang drayber ng SUV kaya umuwi ito ng bahay at kinausap ang mga magulang.

Nasa kustodiya na ng Iloilo City Police ang drayber ng SUV at ang sasakyan.

Ginagamot naman sa ospital ang rider. RNT/JGC