Home METRO Estudyante tigok sa metal beam crash barrier

Estudyante tigok sa metal beam crash barrier

ILOCOS SUR- Patay ang isang 20-anyos na lalaki habang sugatan ang 19-anyos na lalaking angkas nito matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal beam crash barriers sa Brgy. Ipet, Sudipen, La Union kahapon ng madaling araw.

Ayon sa mga awtoridad, ang driver ng Honda XRM motorcycle at angkas nito ay parehong estudyante at mga residente ng Alilem, Ilocos Sur.

Nabatid na ang motorsiklo ay bumibiyahe papuntang silangang direksyon sa Provincial Road sa naturang lugar.

Pagsapit nito sa pinangyarihan ng insidente, nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver hanggang sa sumemplang sa kalsada ang kanilang sasakyan at pagkatapos ay bumangga sa metal beam crash barriers.

Dahil dito, nagtamo ng severe injuries ang dalawa at idineklara ng Medical Officer ng RHU Sudipen La Union na dead-on-the spot ang driver ng motorsiklo. Rolando S. Gamoso