ILOCOS SUR-Tigok ang isang 20-anyos na lalaki matapos na sumemplang sa kalsada ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. San Nicolas, San Esteban ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Oktubre 2.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang estudyante, residente ng Brgy. Turod, Narvacan, Ilocos Sur.
Minamaneho ng biktima ang isang Suzuki Raider 150 motorcycle, walang nakalagay na plate number, papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar
Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, nawalan ng balanse ang driver hanggang sa tumumba sa kalsada ang motorsiklo nito at saka bumangga sa bumper sa likuran ng nakaparadang Mitsubishi Aluminum van.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na agad na isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang patay na ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO