CORDON, Isabela – Tuluyan ng isinelda ng pulisya ang akusadong estudyante rapist na tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa Region 2 sa Barangay Caquilingan, Cordon, Isabela.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Winster”.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Lascivious Conduct sa ilalim ng Seksyon 5(B) ng Republic Act 7610 (Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na may kaugnayan sa Seksyon 5(A) ng RA 8639, na may nakatakdang piyansa na P200,000.00.
Bukod dito, may dalawang kaso pang statutory rape na isinampa laban sa kanya na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco