MANILA, Philippines – Isang civil society group ang nagsampa ng ethics complaint laban kay Sen. Ronald dela Rosa sa harap ng Senate Committee on Ethics and Privileges dahil umano sa kanyang “prolonged absence from official duties.”
Hindi na dumadalo si Dela Rosa sa mga plenary session ng Senado mula Nobyembre 11, 2025, matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas umano ng arrest warrant laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).
Nauna nang naiulat na posibleng mahold ang suweldo ni Dela Rosa dahil sa kanyang patuloy na pagliban.
Ang dating hepe ng Philippine National Police ay itinurong isa sa mga co-perpetrators sa kasong crimes against humanity laban sa nakakulong na dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC. RNT/MND