MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Basic Education and Culture ang tatlong panukalang batas na nagsusulong sa pagpapa-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Kabilang dito ang Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act (House Bill No. 5577), kung saan pinalalaas ang mekanismo na ang local government units (LGUs) at private sektor ay makapagpagawa ng silid-aralan sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
Batay sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), ang Pilipinas ay nahaharap sa kakapusan ng may 165,000 na classrooms — pagkukulang na nagbunga upang mas dumami ang bilang ng mga estudyante sa iisang klase na naging pahirap hindi lamang sa mag-aaral kungdi lalo na sa mga guro.
Sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa LGUs at private partners na magkaroon ng accesss sa pambansang pondo at technical assistance ay pinapalawak ng CAP ang tinatawag na kapasidad ng pamahalaan na makapagpatayo ng ligtas at maayos na silid-aralan.
Inaprubahan din ng komite ang panukalang Education Pathways Act (House Bill No. 4248), na ang layunin ay magkaroon ng panibagong structure ang post-Junior High School education sa dalawang pamamaraan: ito ay ang University Preparatory Pathway sa ilalim ng DepEd at ang a Technical-Vocational Pathway sa ilalim ng TESDA.
Upang mabuo ang ipinapanukalang structural reforms ay isinulong din at naaprubahan ang Emergency Classroom Building Act (House Bill No. 5103), na pangunahing inada ni Tingog Rep. Jude Acidre bilang Chairperson ng House Committee on Higher and Technical Education.
Dito ay binibigyan ng laya ang pangulo ng bans ana gamitin ang temporary emergency powers nito para mapabilis ng konstruksyon at pagsasaayos ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Kabilang sa mga nag-akda ng tatlong panukala ay sina Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Andrew Julian Romualdez. (Meliza Maluntag)