Home NATIONWIDE EU observers papayagang makapasok sa poll areas sa pagsasara ng botohan

EU observers papayagang makapasok sa poll areas sa pagsasara ng botohan

233
0

MANILA, Philippines- Pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga miyembro ng European Union (EU) Election Observation Mission na pumasok sa polling precinct matapos bumoto ang mga botante para sa Eleksyon 2025.

Nauna nang sinabi ng Comelec na ang mga miyembro ng poll-watching mission ay hindi papayagan sa loob ng presinto dahil sa election law ng bansa.

Noong Huwebes, sinabi ni Garcia na tinanggihan ng Comelec ang kahilingan ng mga EU observers na payagang makapasok sa mga polling precinct sa 2025 May elections, at sinabing ang paggawa nito ay labag sa mga batas ng Pilipinas.

Binanggit ni Garcia ang 1987 Constitution gayundin ang probisyon ng Omnibus Election Code (OEC) sa ilalim ng Article 7, Section 52(k) B.2, na nagsasaad na: “Members or units of any citizen group or organization so designated by the Comelec, except its lone duly accredited watcher, will not be allowed to enter any polling place except to vote, and shall, if they so desire, stay in an area at least fifty meters away from the polling place.”

Ayon kay Garcia, pumayag ang EU observers at nagpasalamat sila sa pinakitang flexibility ng komisyon.

“Naunawaan natin ang kanilang kalagayan at naunawaan na nila ang pag-insist natin sa ating batas,” sabi ni Garcia.

Ang EU poll body observers ay nasa bansa matapos imbitahan ng gobyerno ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here