Home NATIONWIDE Comelec nakatanggap 600 ulat ng vote buying

Comelec nakatanggap 600 ulat ng vote buying

MANILA, Philippines- Umabot na sa 600 kaso ng vote buying ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) bago ang 2025 midterm elections.

Sinabi ng poll body na 500 vote buying ang inisyal na iniimbestigahan ng poll body ngunit nadagdagan ng higit 100 kaso.

Ayon kay Comelec George Garcia, kahit manalo o matalo ay hahabulin ng Comelec ang mga ito dahil mayroong kasong election offense na pwedeng i-file.

Ayon kay Garcia, ang National Capital Region ang may pinakatalamak na vote buying.

Alam din aniya nila ang umano’y vote buying incident sa Quezon City na naganap noong May 10 at May 11.

“Sa NCR talaga, pagkatapos mayroon din dyan sa Zamboanga City, mayroon po dyan sa Limay, Bataan, sa Laguna. Hindi tumitigil e kasi mayroon din dito sa Region 3, magmula sa Bulacan at iba pang parte,” sabi ni Garcia.

Samantala, umapela sa mga politiko na sundin ang pagiging patas sa eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden