Home ENTERTAINMENT Eva Darren, aminadong inuulan ng offers sa TV at film!

Eva Darren, aminadong inuulan ng offers sa TV at film!

Manila, Philippines – Bagama’t senior citizen na at 62 years old ay blooming na blooming pa rin si Lorna Tolentino na nali-link nga ngayon kay Lito Lapid.

Isa siya sa napiling “icon” ng isang sosyaling international brand para rumampa sa Okada Grand Ballroom sa 35th anniversary celebration nito.

Mistulang reunion nila ito ni Eva Darren na nakasama niya sa Magpakailanman episode noong 2012.

Ang “The Beggar” actress ay isa sa VIP guests ng V-Works Event Management ni Bianca Lapus.

Kasama niya sa front row ang magkapatid na sina Janice at Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Aster Amoyo, atbp.

Samantala, bukod kay LT ay rumampa din sina Jamie Rivera, Glenda Garcia, at Glenda dela Cruz na kulay rosas ang suot.

Mind you na formal wear ang suot nila at hindi gaya ng female models na naka-underwear rumampa habang bumibirit si Sheryn Regis.

Bagama’t tinapos ni Eva ang show ay umalis na siya matapos bumagsak ang confetti. Buti na lang at naispatan natin siya at nahabol para sa kaunting panayam.

“Nangangatog na ako sa ginaw,” pahayag niya na marahil ay naging dahilan ng pag-alis agad kahit may buffet dinner pa.

Ibinahagi niya na may mga offers na muli sa kanya na lumabas sa teleserye at pelikula matapos ang FAMAS issue pero pinag-iisipan pa niya dahil kagagaling pa lang niya therapy for osteoarthritis.

“Siguro yung mga simpleng-simpleng eksena pwede na,” sey ni Eva.

Ilan pa sa naispatan na celebrity guests ng international underwear brand noong after-party ay sina Gladys Reyes, Glaiza de Castro, Ashley Ortega, Isay Alvarez, Elizabeth Oropesa, Melissa Mendez, Nadia Montenegro, at Marnie Lapus. Trixie Dauz