Home METRO PCG personnel todas sa pamamaril

PCG personnel todas sa pamamaril

ZAMBOANGA CITY- Patay sa pamamaril ang miyembro ng Philippine Coast Guard sa Lamitan City, Basilan nitong Huwebes.

Kinilala ni Lamitan police chief Police Lt. Col. Arlan Delumpines ang biktima na si Nurhan Birong, 26, residente ng bayan ng Akbar, sa Basilan.

Naka-assign si Birong sa Ormoc City Coast Guard Station sa lalawigan ng Leyte.

Naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kasintahan sa Sitio Calle Onse, Barangay Maligaya nang barilin nang tatlong beses ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Dinala si Biron sa Lamitan City Hospital kung saan siya idineklarang patay.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente. RNT/SA