Home NATIONWIDE Pinas nakapagtala ng ‘record high’ approved investment

Pinas nakapagtala ng ‘record high’ approved investment

MANILA, Philippines- Ipinagmalaki ng Board of Investment ang P640 bilyong naitalang bagong aprubadong investment sa bansa hanggang noong Mayo 2024.

Ayon sa BOI, ito ay sumasalamin sa 14% increase kumpara sa P562.90 bilyon noong nakaraang taon.

Pagdedetalye ng BOI, sa nasabing bilang ay P525.85 bilyon ang mula sa domestic investments habang nakapagtala naman ang foreign investments ng P114.37 bilyon.

Paliwanag pa ng ahensya, nagmula naman ang nasabing record high investment sa renewable energy at power projects na nakapagtala ng approved investment na nagkakahalaga ng P607.47 bilyon. Dave Baluyot