Home NATIONWIDE Evacuees sa Albay pinayagan nang makauwi

Evacuees sa Albay pinayagan nang makauwi

277
0

MANILA, Philippines – Pinayagan nang makauwi ng lokal na pamahalaan ng Albay ang mga evacuee na lumikas dahil sa bagyong Opong.

Ito ay kasunod ng pagbuti ng lagay ng panahon nitong Biyernes, Setyembre 26.

Sa abiso, sinabi ni Gov. Noel Rosal na ang pagpapauwi ay magsisimula sa oras na ideklarang ligtas na ang kani-kanilang mga lugar.

Pinayagan naman ang mga mall, grocery, at iba pang essential establishments na magbalik-operasyon bandang alas-11 ng umaga, ngunit nananatiling suspendido ang pasok sa mga paaralan at pasok sa pribado at pampublikong mga opisina.

Sa kabila nito, inabisuhan pa rin ang mga residente na maging handa partikular sa mga lugar na posibleng makaranas ng pagbaha, pagragasa ng lahar, at landslide.

Iniulat ng Office of Civil Defense Bicol na 8,120 pamilya o 26,242 indibidwal ang inilikas sa probinsya nitong Huwebes dahil sa banta ng bagyong Opong. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here