Home NATIONWIDE Cagayan isinailalim na state of calamity

Cagayan isinailalim na state of calamity

308
0

TIGUEGARAO CITY, Cagayan – Pormal nang isinailalim sa State of Calamity ang buong probinsya ng Cagayan bunsod ng matinding pinsalang iniwan ng bagyong “Nando” matapos aprubahan ang Resolution No. 1, Series of 2025 sa isinagawang special session ng 12th Sangguniang Panlalawigan na pinangunahan ni Vice Gov. Manuel Mamba ngayon Setyembre 26, 2025.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umabot sa P655,606,858.44 ang inisyal na halaga ng pinsala mula sa Agrikultura: P398,898,405.50, Fisheries: P91,996,802.94, Livestock: P256,150.00 at Imprastruktura na nagkakahalaga ng P164,455,500.00.

Umabot din sa 41,001 ang mga nasirang kabahayan, kabilang ang 2,616 na totally damaged at 38,385 na partially damaged.

Sa pagdedeklara ng State of Calamity, may otorisasyon na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na gamitin ang Quick Response Fund mula sa Local DRRM Fund upang maipaabot ang agarang tulong sa mga naapektuhan, partikular sa mga residente ng Isla ng Calayan na kabilang sa pinakamalubhang tinamaan ng bagyo.

Bagamat hindi pa nakakabangon mula sa bagyong Nando ay patuloy na nakakaranas ng pag-uulan na dala ng bagyong Opong ang lalawigan kung kayat patuloy ang pagbaha. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here