Manila, Philippines – Hindi lang direktor si GB Sampedro ng Sinag Maynila 2025 sa official entry niya na “Selda Tres.”
Isa rin si Direk GB sa producers ka-partner ng Five 2 Seven Entertainment Production.
Powerhouse ang cast ng movie ni Direk GB sa pangunguna ng veteran actor na si Cesar Montano, Carla Abellana at JM de Guzman.
During the mediacon ng “Selda Tres” ay tinanong bamin si Direk GB kung paano nila binuo ang “Selda Tres.”
Ayon kay Direk GB, “Uh, nag-start kami nung 2023. Uh, kausap ko yung producer namin si Sir Alex Rodriguez.
“He wanted to do something (na) pelikula na may aksyon na may kabuluhan. So, doon nagsimula yun. Then, gumawa kami ng story ni Eric Ramos.
“Minadali na nga namin yun para masimulan agad ang pelikula.
“Tapos tuloy-tuloy na hanggang nag-casting na kami. At nabuo ang cast. Ang tawag nga nila, may powerhouse cast daw kami.
“So, sobrang thankful ako na mabigyan ako ng opportunity ng aming partner nga, si Sir Alex.
“Binigyang laya niya ako na makapili ng mga artista at sinuportahan niya ako sa pagkuha sa mga artista na feeling namin, nababagay at uh, kumabaga, pasok doon sa tema, sa istorya.”
Ang”Selda Tres” ay una nang mapapanood sa SM Fairview at Gateway.
Bukas, Sept. 27 (Saturday) ay mapapanood ito sa Trinoma (12:30 pm), SM Mall of Asia (3pm) at sa SM Fairview (8pm).
On Sept. 28 (Sunday) magsisimula sa Market Market (12:30pm), Gateway C17 (3pm), Robinsons Manila (5:30pm) at sa Robinsons Antipolo (8pm).
Then, on Sept. 29 (Monday) sa SM Mall of Asia (5:30pm).
At sa September 30 (Tuesday) Gateway C17 (12:30pm), Robinsons Antipolo (5:30pm) at sa Trinoma (8pm). Julie Bonifacio