Manila, Philippines – Sighted ang Kapamilya heartthrob na si Robbie Jaworski sa isang proyektong ginagawa ni Belle Mariano.
Dahil wala namang leading man at on a solo mode si Belle, nagkaroon ng haka-haka ang mga tsismosang kapitbahay na ang VJ at TV host ang diumano’y pamalit ni Belle kay Donny.
May mga tsikang lumutang pa na puspusan ang pagsalang ng binatang anak nina Mikee Cojuangco at Dudut Jaworski sa acting workshops.
Ito nga naman ay para may sandata ang rising star ng Kapamilya network dahil ito ang napapabalitang bagong ipapareha kay Belle.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa naturang tsika.
“In fairness, bagay sila.”
“Between Donny and Robbie, kay Donny pa rin ako. Sa looks at talent na lang wala siyang binatbat kay Donato.”
“Mag-acting workshop muna siya.”
“Kuh-lang na kulang siya. Pati hosting, di ko feel.”
“Sobra niyang bagito sa hosting.”
“Marami pa siyang bigas na kakanin to be at par with Donny.”
“Just another pretty face. Hopefully, loaded din siya ng talent.”