MANILA, Philippines – Simula Nobyembre, maaaring mag-apply ang mga Chinese nationals para sa electronic visa ng Pilipinas sa ilang embahada at konsulado sa China, ayon sa Philippine Embassy sa Beijing.
Layunin ng programa na “palakasin ang palitan ng tao at pasiglahin ang kalakalan at turismo” kahit may mga teritoryal na alitan sa South China Sea.
“I am pleased to announce that the Philippine Embassy in Beijing, as well as our Consulates in Chongqing, Guangzhou, Hong Kong, Macau, Shanghai, and Xiamen, will soon begin issuing Philippine electronic visas to qualified applicants residing in Mainland China and its Special Administrative Regions, enabling applications to be made online and making the visa application process more convenient for those making a temporary visit to the Philippines,” ani Philippine Ambassador Jaime FlorCruz.
Ang eVisa, na unang inilunsad sa Maynila noong 2023, ay nagpapahintulot sa mga Chinese na bumisita para sa turismo o negosyo na manatili ng 14 araw na hindi pwedeng i-extend, sa pamamagitan lamang ng Ninoy Aquino International Airport o Mactan-Cebu International Airport.
Ang mga nagnanais manatili nang mas matagal, o iba pang kwalipikadong nationals sa China, ay maaari pa ring mag-apply ng karaniwang visa sa Visa Application Centers sa Beijing, Chongqing, Fuzhou, Guangzhou, Hong Kong, at Shanghai.
“The implementation of the eVisa comes at an opportune time,” dagdag ni FlorCruz, na binanggit na bunga ito ng bilateral consultations ng PH at China noong Hulyo, kasabay ng 50th anniversary ng ugnayang Pilipino-Chinese. RNT