MAGUINDANAO DEL SUR- Arestado ang dating barangay chairman at apat na kasama nito sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya, iniulat kahapon sa bayan ng Rajah Buayan.
Kinilala ni Police Captain Joel Lebrilla, hepe ng Municipal Rajah Buayan police ang mga nadakip na suspek na sina Ansarie Usman Maulana, dating barangay chairman ng Pidsandawan, Abusama Kusa Enggo, pamangkin nitong sina Ali, Datu Ali Andang, at Hassan Tatak.
Batay sa report ng pulisya, nadakip ang mga suspek noong Huwebes ng hapon sa bahay ni Anasarie sa Barangay Pidsandawan, na umano’y ginagawa nitong drug den.
Nakuha sa mga suspek ang hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa halagang P34,000 at mga drug paraphernalia.
Sinabi pa ni Lebrilla, ang mga kasama ni Anasarie ay may mga criminal record.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico