Home NATIONWIDE Ex-bodyguards ni Zaldy Co humarap sa bagong arrest warrants

Ex-bodyguards ni Zaldy Co humarap sa bagong arrest warrants

1
0
TINGNAN: Humarap sa NBI ang 16 sa 18 umano’y dating Marines na nagpakilalang “bagmen” ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, upang tumalima sa subpoena kaugnay ng kontrobersyal na alegasyon ng kickbacks sa flood control projects. | Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sinilbihan ng bagong arrest warrants mula sa Zambales at Surigao ang ilang dating bodyguard ni dating House lawmaker Zaldy Co.

Ilan sa mga dating bodyguard ay makakalaya na sana mula sa San Juan City police station.

Nagawang makapagpiyansa ni Atty. Levito Baligod at apat pang dating bodyguard matapos ma-detain sa umanoy’y unjust vexation. Nananatiling naka-detain naman ang 10 iba pang dating bodyguard.

Sa kabila nito, tatlo sa mga pinalaya kasama ni Baligod ay boluntaryong sumuko sa pulisya matapos silbihan ng panibagong warrant mula sa korte sa Iba, Zambales.

Makalipas nito ay dumating ulit ang panibagong arrest warrant mula naman sa Surigao.

Hindi pa natatanggap ng kampo ng mga dating bodyguard ni Co ang kopya ng arrest warrant.

Ang mga lalaking naka-detain sa San Juan police station ay bahagi ng 18 dating bodyguard na nagsabing naghatid sila ng male-maletang cash sa ilang personalidad kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kabila nito, apat sa mga bodyguard na ito ang nagbawi ng kanilang alegasyon.

Samantala, si Co, na mastermind umano sa flood control scheme ay nagtatago pa rin sa mga awtoridad at pinaniniwalaang nasa Europe. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here