Home NATIONWIDE Ex-Camarines Norte Gov. Roy Padilla Jr., pumanaw sa edad 77

Ex-Camarines Norte Gov. Roy Padilla Jr., pumanaw sa edad 77

2
0

MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 77 si dating Camarines Norte Governor at Congressman Casimiro “Roy” Padilla Jr., na nagsilbi sa lalawigan sa iba’t ibang posisyon sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Kinumpirma ng kanyang kapatid na si incumbent Camarines Norte Governor Ricarte “Dong” Padilla ang pagpanaw ng dating opisyal sa isang social media post nitong Miyerkules, Nobyembre 11.

Pumanaw si Padilla noong Martes, Nobyembre 10.

Nagsilbi si Padilla bilang gobernador ng Camarines Norte mula 1988 hanggang 1998, matapos paslangin ang kanyang amang si dating Governor Casimero “Roy” Padilla Sr. noong Enero 1988 habang nangangampanya sa bayan ng Labo.

Pagkatapos ng kanyang panunungkulan bilang gobernador, nahalal siyang kinatawan ng lone district ng Camarines Norte mula 1998 hanggang 2001.

Nagsilbi rin siyang bise gobernador ng lalawigan mula 2007 hanggang 2010.

Bukod kay Governor Dong Padilla, kapatid din niya sa ama si Senador Robinhood “Robin” Padilla.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Camarines Norte Vice Governor Joseph Villaverde Ascutia sa pamilya ng dating gobernador.

Hindi pa inilalabas ang opisyal na dahilan ng kanyang pagpanaw. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here