Home NATIONWIDE Ex-CIW officials pinakakasuhan ni Catapang sa nawawalang trust fund ng mga PDL

Ex-CIW officials pinakakasuhan ni Catapang sa nawawalang trust fund ng mga PDL

3
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. nitong Miyerkules, Setyembre 16 ang paghahain ng administrative, criminal, at civil complaints laban sa dalawang dating superintendent ng Correctional Institution for Women (CIW) at lima iba pang tauhan.

Ito ay kasunod ng imbestigasyon ng ahensya sa umano’y nawawalang trust fund ng persons deprived of liberty.

Inaprubahan ni Catapang ang rekomendasyon ng Directorate for Intelligence and Investigation na maghain ng administrative proceedings sa BuCor Office of Internal Affairs Service laban sa mga indibidwal.

Inatasan din nito ang paghahain ng criminal at civil cases.

Ayon sa BuCor, haharap ang dating superintendent sa administrative proceedings para sa gross neglect of duty at grave misconduct sa bigong pagsasagawa ng kaukulang diligence sa pangangasiwa, pagmonitor, reconciling, at pagpapanatili ng institutional control sa trust fund.

Nakita rin na bigo itong makasunod sa BuCor PDL Trust Fund Policy.

Bukod dito, nakita rin na pinayagan niya ang paggamit ng trust fund para sa renovation at improvement ng Multipurpose Hall, Overseer’s Office, at Investigation and Verification Section Unit (IVSU).

Samantala, ang mga indibidwal na nagsilbing acting CIW superintendent ay tinukoy din sa pagpayag ng advancement ng P300,000 mula sa pondo para sa remittance ng mga PDL na hindi umano naipadala nang tama.

Ayon sa BuCor, nakita sa imbestigasyon na bigong ma-account ng CIW Trust Fund Officer ang P5.1 milyon ng PDL Trust Fund.

Sa kabila nito, sa final audit report na isinagawa ng BuCor Internal Audit Service ay nakita ang unaccounted amount na P6.4 milyon nang hindi binabawas ang mahigit P1.2 milyong accounted amount na hindi pa nakokolekta o nalilista bilang receivables.

Ani Catapang, isasagaw ang ikalawang pagsusuri para rito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here