Home NATIONWIDE Ex-Comelec commissioner Rowena Guanzon naghain ng CON-CAN sa P3P Partylist

Ex-Comelec commissioner Rowena Guanzon naghain ng CON-CAN sa P3P Partylist

202
0
Dating Comelec Commissioner Atty. Maria Amelia Guanzon, naghain ng Certificate of Candidacy bilang P3WD Partylist. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Naghain na rin ng certificate of nomination and certificate of acceptance of nomination para sa 2023 midterm election ang P3P Partylist o Pamilya, Pasyente at PWD.

Kinakatawan bilang unang nominee ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang P3P Partylist kung saan siya ang personal na naghain ng CON-CAN.

Hindi rin pinalampas ni Atty. Guanzon ang mga mayayamang partylist group na hindi naman aniya maituturing na marginalized sector.

Hinikayat ni Guanzon ang mga mayayamang kumakandidatong partylist na ibigay na lamang sa mga tunay na marginalized sector ang pagkakataon na makapasok sa pamahalaan.

Nilinaw din ni dating Commissioner Guanzon na diskuwalipikado si Ronald Cardema bilang youth representative lalo na at over-age na si Cardema.

Una rito ay naghain na rin ng CON at CAN ang Pinoy Workers party-list, Abante Pangasinan Ilocano na kinakatawan ni Amado Espino Jr, at Unyon ng mga Gabay ng Bayan o UGB.

Umaasa rin ni Guanzon ang kasalukuyang administrasyon para sa mga programa sa mga mahihirap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here