Home METRO Notoryus murderer nalambat sa Pasay

Notoryus murderer nalambat sa Pasay

173
0

MANILA, Philippines- Nahuli ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City Polic ang isang driver na wanted sa murder sa Calbiga, Samar, sa isang operasyon laban sa mga wanted na indibidwal nitong Biyernes. 

Iniulat ni Col. Samuel Pabonita, hepe ng Pasay City Police, na ang suspek na kinilala sa alyas na Noli at nakatira sa Barangay Sampaloc, Tanay Rizal, ang itinuturing na ikatlong most wanted person sa provincial level para sa kasong murder. 

Naganap ang pag-aresto bandang alas-8:40 ng gabi sa intersection ng Libertad at Taft Avenue sa Barangay 97, Pasay City. 

Ani Pabonita, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Janet Menzon Cabalona ng Regional Trial Court, 8th Judicial Region, Branch 33, Calbiga, Samar, may petsang Marso 21, 2021, na walang ikinasang piyansa. 

Kasunod ng pagkakaaresto sa kanya, isinailalim ang suspek sa police custodial facility habang naghihintay ng commitment order. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here