MANILA, Philippines – ISANG bala sa mukha ang tumapos sa buhay ng isang ex-convict nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek, napaulat kahapon ng umaga, Hulyo 19 sa Malabon City.
Kinilala ang biktimang si Regie Canete, naninirahan sa Housing Unit, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.
Si Canete ay nasawi sanhi ng tama ng balang bumaon sa kanyang mukha.
Alas-5:40 ng umaga nang matagpuan ng mga opisyal ng barangay ang bangkay ng biktima sa Talisay basketball court matapos silang makarinig ng putok ng baril.
Napag-alaman na dati nang nakulong ang biktima sa kasong pagnanakaw at nakalaya lamang taong 2022 matapos mapagadusahan ang parusang ipinataw ng hukuman sa kanya.
Subalit sa halip na magbagong-buhay ay nagpatuloy pa rin ito sa maling gawain gaya ng pagnanakaw at sa katanuyan ay mayroon itong nakabinbing kaso ng pagtangay ng ebike bago siya napaslang.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suapek na nakapatay sa biktima upang papanagutin sa naturang kaso. Merly Duero