Home METRO Ex-convict balik-selda sa P3M shabu

Ex-convict balik-selda sa P3M shabu

ILOILO CITY- Balik-selda ang isang dating preso matapos makuhanan ng P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa pinaigting na buy-bust operation ng mga tauhan ng Iloilo City Police Office (ICPO) noong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Damian Cataluña, 49, ng La Paz District, Iloilo City.

Nakabili ang operatiba ng P12,000 halaga ng shabu at narekober din sa suspek ang 430 gramo ng shabu na aabot sa halagang P3 milyon.

Ayon kay ICPO City Drug Enforcement Unit (CDEU) Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr., paglabas ng suspek sa kulungan ay isinailalim nila ito sa monitoring sa paghihinalang babalik ito sa ilegal na aktibidad.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico