Home METRO 3 bata naglalaro sa dalampasigan nalunod

3 bata naglalaro sa dalampasigan nalunod

MANILA, Philippines- Maagang binawian ng buhay ang tatlong batang nalunod sa dagat sa Davao City.

Batay sa ulat nitong Linggo, idineklarang dead on arrival ang mga paslit nang dalhin sa ospital.

Pagbabahagi ng mga awtoridad, naglalaro ang mga bata, isang 4-anyos habang pitong taong gulang ang dalawa, sa dalampasigan nang mawala ang mga ito noong Sabado.

Sa isang panayam, inihayag ng Coast Guard District ng Southeastern Mindanao na bandang alas-8 ng gabi nang matagpuan ang lumulutang na bangkay ng mga bata. RNT/SA