Home TOP STORIES Ex-DBM chief pinarangalan sa pagtaguyod ng kababaihan at kapayapaan

Ex-DBM chief pinarangalan sa pagtaguyod ng kababaihan at kapayapaan

161
0

PINARANGALAN ng mga taga-Mindanao si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman dahil sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa pagtataguyod ng kababaihan at kapayapaan sa rehiyon.

Nagpasalamat ang Maguindanao State University (MSU) sa patuloy na suporta ni Pangandaman noong siya ay kalihim ng DBM, partikular sa pagsusulong ng Diploma in Women, Peace and Security (WPS).

“Mina Pangandaman has been one of MSU-Maguindanao’s strongest champions in advancing our Diploma in Women, Peace and Security (WPS),” pahayag ng pamunuan ng MSU.

Kabilang sa mga naging ambag ni Pangandaman ang matagumpay na paglulunsad ng Diploma sa WPS, pagiging resource speaker sa Gender-Responsive Budgeting, pag-uugnay ng mga pambansang programa, pagsuporta sa faculty capacity-building, paglahok sa mga lokal at internasyonal na WPS conferences, at pagtataguyod ng international learning exchange sa Yogyakarta, Indonesia. Tumulong din siya sa pagbuo at publikasyon ng WPS learning materials at sa pagpapalawak ng ugnayan ng MSU-Maguindanao sa mga unibersidad sa National Capital Region.

Lubos naman ang pasasalamat ni Pangandaman sa pagkilalang ibinigay sa kanya ng mga taga-Mindanao. Ayon sa kanya, hindi lamang proteksyon ang kailangan ng kababaihan kundi higit na pagpapalawak ng kanilang kakayahan at oportunidad upang makapag-ambag sa kaunlaran ng lipunan.

Umaasa rin siya na sa pamamagitan ng mga programang ito ay magpapatuloy ang pag-unlad ng Mindanao.

Bukod dito, tumanggap din si Pangandaman ng anti-corruption award, na aniya’y patunay na may pag-asa pa sa pagsusulong ng tapat at bukas na pamamahala. Binalikan din niya ang tagumpay ng PS-DBM nang magwagi ito sa Open Government Challenge sa Open Government Partnership Global Summit na ginanap sa Spain, sa ilalim ng anti-corruption category. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here