Home NATIONWIDE Ex-DPWH official, tumestigo vs Romualdez sa pluder case

Ex-DPWH official, tumestigo vs Romualdez sa pluder case

1
0

MANILA, Philippines – Tumestigo nitong Martes sa Sandiganbayan Third Division si Henry Alcantara, dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naging state witness, laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Dating district engineer si Alcantara ng DPWH First District Engineering Office sa Bulacan. Humarap siya sa anti-graft court sa pagdinig para sa piyansa ni Romualdez, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y kickback mula sa mga proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon.

Nauna nang tumestigo si Alcantara sa mga kasong kinakaharap ng dating senador na si Bong Revilla. Inaasahan ding ihaharap siya ng mga special prosecutor sa paglilitis sa kaso ni Sen. Jinggoy Estrada.

Bilang bahagi ng kanyang pag-amin at pagpasok sa Witness Protection Program ng pamahalaan, nagsauli na si Alcantara ng mahigit P110 milyon sa Department of Justice (DOJ). Ito ay bahagi ng P300 milyong kickback na inamin niyang natanggap mula sa mga flood control project sa Bulacan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here