Home NATIONWIDE P785.2M 2027 budget ng OVP aprubado sa Senado

P785.2M 2027 budget ng OVP aprubado sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Mabilis na inaprubahan ng Senate finance subcommittee nitong Martes ang panukalang P785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027.

Hindi dumalo sa budget briefing si Vice President Sara Duterte. Kinatawan siya ni OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez at iba pang opisyal.

Iminungkahi ni Sen. Imee Marcos na igalang ang tradisyunal na courtesy sa tanggapan ng bise presidente at isumite ang panukalang budget sa plenaryo nang walang mahabang talakayan. Sinuportahan ito ni Sen. Bong Go at inaprubahan ni Senate Finance Committee Chairman Sen. JV Ejercito. Natapos ang briefing sa loob lamang ng 16 minuto.

“This representation acknowledges the tradition of interparliamentary courtesy with respect to the Office of the Vice President while also assuring the public that the fiscal year 2027 proposed expenditure is taken up with due diligence,” ayon kay Ejercito.

Ang panukalang budget ng OVP ay P785.204 milyon, mas mababa ng 11.7% kumpara sa P889.236 milyong aprubadong budget nito noong 2026.

Bago sinuspinde ang briefing, tinanong ni Senate President Sherwin Gatchalian kung nasaan si Duterte. Ayon kay Lopez, kinatawan ng bise presidente si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa inurnment ng matagal nang city planner sa Davao City na idinaos noong Oktubre 20.

Binigyang-diin ni Gatchalian na karaniwang dumadalo sa Kongreso ang mga pinuno ng mga tanggapan upang ipaliwanag at ipagtanggol ang kanilang panukalang budget. Gayunman, sinabi niyang napansin niyang ginagamit ng OVP ang pondo nito nang mahusay at maingat, sa kabila ng pagbaba ng panukalang budget.

“Of course, bilang Vice President, meron din silang mga kailangang tulungan. Tayong mga politicians, marami talagang lumalapit sa amin eh. I’m sure kay Vice President, marami ring lumalapit, humihingi ng tulong. Itong socioeconomic programs will be a tool for her to help her constituents or our constituents,” dagdag ni Gatchalian. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here