Home HOME BANNER STORY ST Rosal, nasa loob na ng PAR; signal no. 1 itinaas sa...

ST Rosal, nasa loob na ng PAR; signal no. 1 itinaas sa ilang bahagi ng hilaga, timog Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Rosal (international name: Champi) nitong Martes ng umaga, Oktubre 20, at itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Hilaga at Timog Luzon, ayon sa PAGASA.

Ayon sa PAGASA, pumasok ang bagyo sa PAR alas-10:40 ng umaga. Huling namataan ito 1,385 kilometro silangan ng Central Luzon, na may lakas ng hanging 185 kilometro kada oras (kph) at pagbugsong umaabot sa 230 kph.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1 ang Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands, silangang bahagi ng mainland Cagayan, hilagang-silangang bahagi ng Isabela, at hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ang signal na ito ng minimal hanggang minor na banta sa buhay at ari-arian, dahil sa hanging may bilis na 39 hanggang 61 kph.

Inaasahang mananatiling super typhoon si Rosal at maaari pang lumakas habang kumikilos sa Philippine Sea. Posible itong humina bilang typhoon sa Huwebes at maging severe tropical storm sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa PAR sa Biyernes ng gabi o madaling-araw ng Sabado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here