Ayon sa reklamo ni Real, nagpabaya umano si Non sa pag-akto na gawin ang ‘regulatory reset process ng mga Distribution Utilities (DUs).
Hindi na ito bago, dahil si Non ay napatawan na ng Office of the Ombudsman ng isang taon na pagkakasuspinde “without pay” sa nauna nitong kaso rin ng graft sa nasabing Korte.
Matatandaang si Non ay naging Officer-in-Charge ng ERC mula Hunyo 2015 bago may naitalang bagong Chairman noong 2017.
Si Non ay siya rin gumaganap bilang Oversight Commissioner na nangangasiwa sa mga ‘public consultations at mga hearing hinggil sa pagpapatakbo ng mga DUs, partikular na sa kung may kinalaman ito sa Performance-Based Rate Setting System.
Sa nabanggit na bagong reklamo, sa kanyang panunungkulan bilang In Commissioner, sinasabing hindi umano ginampanan ni Non ang kanyang tungkulin para bawalan ang mga DUs sa bansa na pag-update ng mga ito sa kanilang distribution rate “sa loob ng pitong taon.”
“Non is guilty of gross inexcusable negligence due to his repeated inaction and neglect to conduct or cause the ERC to hold the regulatory reset process and determine the rates to be charged without justifiable cause” ang sabi ni Atty. Real sa reklamo.
Dagdag pa ng abogado, sa pagpapabayang iyon ni Non, hindi narereview ng ERC kung tama ang mga adjustment na ginagawa ng mga DUs kaya nagtaasan ang mga paniningil nito na nagpahirap sa mga consumer.
Kung hindi pa aniya, kumilos ang MERALCO magrefund ito sa mga consumer noong 2021, hindi maiibsan ang paghihirap ng mga customers nito.
At sa pagsisikap ng kasalukuyang ERC Commissioners na maresolba ang isyung ito, ang kapabayaan ni Non ay Hindi katanggap-tanggap ayon kay Atty. Real.
Dagdag pa niya, kahit na nakatapos ang isang opisyal ng kanyang termino, may pananagutin pa rin ito, kung siya ay nagpabaya sa kanyang tungkulin noong siya ay naninilbihan pa sa tao at bayan. Hindi rin sila kinakailangan bigyan pa ng mga benipisyo bagkus ay kasuhan at pananagutin sa batas. Santi Celario