Home NATIONWIDE Mga residente ng Mati City lumikas sa banta ng Tsunami

Mga residente ng Mati City lumikas sa banta ng Tsunami

MANILA, Philippines – Daan-daang residente ng Mati City sa Davao Oriental ang lumikas sa kani-kanilang mga tirahan kasunod ng Tsunami Alert na inilabas ng PHIVOLCS dahil sa magnitude 7.4 na lindol nitong gabi ng Sabado, Disyembre 2.

Ayon sa Mati City Disaster Risk Reduction and Management Office, pansamantalang tumutuloy sa Golden Valley, Provincial Capitol, at Matiao National High School ang mga evacuees.

Matatandaang naglabas ng Tsunami Warning ang PHIVOLCS bandang 11:05 ng gabi kasunod ng lindol na tumama 10:37 PM para sa mga probinsya ng Davao Oriental at Surigao del Sur.

Pagsapit ng alas-3:23 ng madaling araw ay inalis na ng PHIVOLCS ang naturang babala.

Nagpapatuloy naman ang assessment ng lokal na pamahlaaan kaugnay sa pinsala na idinulot ng lindol. RNT/JGC