Home METRO Babae patay sa Davao del Norte sa lindol

Babae patay sa Davao del Norte sa lindol

MANILA, Philippines – Patay ang isang ina sa Tagum City, Davao del Norte kasunod ang magnitude 7.4 earthquake na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2.

Ang babae ay iniulat na nasawi matapos na bumagsak ang pader ng isang bahay at madaganan ito.

Isinugod pa ang ina sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagtamo naman ng pinsala sa katawan ang asawa nito at anak.

Nagpapatuloy naman ang assessment ng Tagum City Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pinsalang idinulot ng lindol. RNT/JGC

Previous articleMga residente ng Mati City lumikas sa banta ng Tsunami
Next articleKauna-unahang spy satellite ng SoKor, matagumpay na nakarating sa orbit!