Home NATIONWIDE Kauna-unahang spy satellite ng SoKor, matagumpay na nakarating sa orbit!

Kauna-unahang spy satellite ng SoKor, matagumpay na nakarating sa orbit!

SOUTH KOREA – Kinumpirma ng South Korea na matagumpay na nakarating sa orbit ang kauna-unahang military spy satellite nito.

Ang reconnaissance satellite nito, na dala ng SpaceX Falcon 9 rockets ni Elon Musk, ay inaasahang magpapataas pa ng “space race” sa Korean peninsula matapos na maunang ilunsad ng North Korea ang kauna-unahan nitong spy satellite.

Ayon sa defense ministry ng South Korea nitong Sabado, Disyembre 2, ang satellite ay nakarating na sa orbit matapos na ilunsad ito mula sa Vandenberg US Space Force Base sa California nitong Biyernes.

“The satellite was launched 0319 Seoul time and was successfully separated from projectile 11 minutes later and put into targeted orbital trajectory,” saad sa pahayag ng defense ministry.

“We have confirmed its communications with the ground command.”

Dahil nakarating na ito sa orbit, nangangahulugan ito na ang South Korea ay mayroon nang kauna-unahang domestically builty spy satellite upang bantayan ang North Korea.

Plano ng Seoul na maglunsad ng apat pang karagdagang spy satellites sa pagtatapos ng 2025.

“Considering resolution and its capacity for Earth observation… our satellite technology ranks in the top five globally,” pahayag ng isang defence ministry official. RNT/JGC

Previous articleBabae patay sa Davao del Norte sa lindol
Next articleHalos 200 aftershock naitala sa M-7.4 na lindol sa Surigao