Home NATIONWIDE Halos 200 aftershock naitala sa M-7.4 na lindol sa Surigao

Halos 200 aftershock naitala sa M-7.4 na lindol sa Surigao

MANILA, Philippines – Nasa 200 aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

“As of 2 a.m., mayroon nang 192 aftershocks,” sinabi ni PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol sa panayam ng DZBB.

“‘Yung aftershocks would last for several days to several weeks. Habang tumatagal, lumiliit ‘yung number ng aftershocks and magnitude,” dagdag pa niya.

Ang mga aftershock na tumama mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga ay mula magnitude 1.5 hanggang 6.1, batay sa datos ng PHIVOLCS.

Ang pinakamalakas sa mga ito ay magnitude 6.1 na tumama 12:03 ng madaling araw.

Matatandaan na tumama ang magnitude 7.4 earthquake na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur 10:37 ng gabi. RNT/JGC

Previous articleKauna-unahang spy satellite ng SoKor, matagumpay na nakarating sa orbit!
Next articleMga OFW hinimok ni VP Sara na magnegosyo