Home HOME BANNER STORY Nawawalang eroplano sa Isabela, pinaghahanap pa rin!

Nawawalang eroplano sa Isabela, pinaghahanap pa rin!

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang eroplano sa Isabela.

Ayon sa Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, nagpapatuloy ang ground search sa mga bayan ng San Mariano, Dinapigue, at Palanan, Isabela sa kabila ng masamang panahon.

Ang mga rescuer ay binubuo ng mga tauhan mula sa Palanan Municipal DRRMO, Palanan police, Bureau of Fire Protection, Philippine Army, at civilian volunteers.

Sila ay kasalukuyang nasa Barangay Dinadian, Palanan para magsagawa ng operasyon.

Ang grupo naman mula sa Isabela Provincial Mobile Force Company ay nagtungo sa Barangay Casala, San Mariano, Isabela para sa kaparehong operasyon.

Sa oras na gumanda ang panahon, target ng mga awtoridad na magsagawa ng isang aerial search operation.

Matatandaan na iniulat kamakailan ang pagkawala ng isang Cyclone light aircraft matapos na umalis ng paliparan patungong Palanan.

Ang eroplano ay may tail number RPC-1234 ay pinapalipad ni Capt. Levy N. Abul II. Mayroon itong sakay na isang pasahero.

Sa ulat, nakatakda sanang lumapag ang eroplano sa Palanan Airport isang oras matapos itong umalis ng Cauayan City Airport bandang 9:39 ng umaga ngunit natapos na lamang ang araw ay wala pa ito. RNT/JGC

Previous articlePagpapalakas sa climate financing, pinangunahan ng World Bank, UAE sa COP28
Next articleEx-ERC commissioner muling inreklamo sa Ombudsman