Home NATIONWIDE Ex-ES Rodriguez hinikayat si PBBM na sumailalim sa credible drug test

Ex-ES Rodriguez hinikayat si PBBM na sumailalim sa credible drug test

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni dating executive secretary, Atty. Vic Rodriguez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sumailalim sa “credible hair follicle drug test” para matuldukan na ang mga haka-haka at alegasyon na Isa siyang illegal drug user.

Tinanong kasi si Rodriguez ukol sa naging pahayag ni Pangulong Marcos noong Enero na hindi siya (Pangulong Marcos) maaaring gumamit ng ilegal na droga dahil marami siyang ginagawa sa kanyang buhay.

Ang paggamit ayon sa Pangulo ng illegal na droga ay para lamang sa mga taong walang ginagawa o walang trabaho.

“That’s not dignifying, it’s heeding the call and the clamor of the Filipino people,” ayon kay Rodriguez, kujmaolas sa administrasyong Marcos noong 2022 Para makapaglaan ng mas maraming oras kasama ang pamilya.

“You know, if you have nothing to hide, it’s simple, just undergo a credible hair follicle drug test,” ani Rodriguez.

Present naman si Rodriguez sa Tagum City rally, araw ng Linggo kung saan muling binanggit ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang di umano’y paggamit ng illegal na droga ni Pangulong Marcos.

Nitong nakaraang Enero, tinawag ni Duterte na “bangag” si Marcos sa prayer rally sa Davao City.

Sinabi pa ni Duterte na nasa drug watchlist umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) –na kaagad namang itinanggi ng ahensiya.

Pero makalipas ang isang buwan ay itinanggi ni Duterte na inakusahan na drug addict si Pangulong Marcos.

“Wala ako sinabi na ganon… Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganon. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin, matanda na ako,” pahayag ni Duterte sa isang press conference.

Kaya nga para kay Rodriguez, “So, para matapos na ‘yan, bakit hindi sumailalim yung mga nakakaladkad na pangalan sa isang hair follicle drug testing.”

Ani Rodriguez, ang naging panawagan ni Pangulong Marcos para sa regular drug tests sa mga opisyal ng gobyerno ay bilang tugon sa mga humamon sa resulta na ipinakita nito noong 2021 kung saan iinapakita na negation si Pangulong Marcos sa paggamit ng illegal na droga. Pinanindigan naman nito ang nasabing resulta.

“Ako ay nakakaladkad. Ako ay nagpakita ng pekeng resulta noong 2021. Sasabihin ko sa lahat na aking pinanindigan ang resulta na aking pinakita noong 2021 na negatibo si then BBM, ‘yung kandidatong BBM,” aniya pa rin.

Sinabi ni Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos noong 2022 campaign period, na ang kanyang pagdalo sa rally noong Linggo ng Maisug group sa Tagum City ay pagpapahayag ng suporta sa panawagan na proyektahan ang Saligang Batas.

“Patuloy akong sasama doon sa hakbang ng Maisug para ang patuloy nating panawagan is to protect and defend our Constitution,” aniya pa rin.

Naniniwala naman si Rodriguez na ang suspensyon kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib ay dahil sa pagtanggi ng gobernador sa kahilingan na huwag magbigay ng permit sa rally nitong Linggo sa Tagum City.

“Merong nagtangkang pumigil na bigyan niya ng permiso yung rally noong Linggo at noong hindi napagbigyan ang kasunod ”yung kanyang suspension,” ayon pa rin kay Rodriguez.