Home ENTERTAINMENT Sanya, bopol daw sa ingles, inokray!

Sanya, bopol daw sa ingles, inokray!

Manila, Philippines – Ang Kapuso actress na si Sanya Lopez ang bagong brand ambasador sa Philippines ng international na cosmetics line na Mac.

Kaso, ang pagkakapili sa kanya was met with a wave of disapproval.

Ayon sa mga detractors ni Sanya, sana ay namili na lang daw ang pamunuan ng Mac Cosmetics mula sa hanay that includes Anne Curtis, Solenn Heussaff, Pia Wurtzbach, Gabbi Garcia at Heart Evangelista.

Itanong n’yo kung bakit hindi bet ng mga ito si Sanya over the others?

Kasi raw ay laglag ito pagdating sa Ingles!

Kaya tanong naman ng marami na suportado ang endorsement ni Sanya: kelan pa naging basehan ang galing sa pag-lingles para mag-

promote ng isang brand?

Oo nga raw at kilalang international brand ang Mac, kailangan daw bang bihasa sa wikang Ingles ang brand ambassador nito?

Besides, ‘yung mga iminungkahi nilang aktres who they believe are more derving endorsers ay nakatali na sa ibang cosmetics brand.

Ang payo tuloy ng mga pro-Sanya, itsek ang mga produktong ineendorso nito para malamang masaya ang mga may-ari ng mga ito na siya ang kinuha to push their products.

Sa isang banda, Sanya can look at this as a constructive criticism.

Bakit hindi siya kumuha ng refresher course on English to enable herself to communicate through the use of the spoken language?

That way, makaka-gain pa ng self-confidence ang aktres.

Somehow, let’s face it, plus factor din ‘yon para kay Sanya in case sumabak siya sa TV hosting. Ronnie Carrasco III