Gitgitan sa una at ikalawang puwesto sina former Batanes Governor Malou Cayco at retired Philippine Navy Commodore Ike de Sagon sa pinakahuling pre-election survey para sa Batanes Special Election for Congress, batay sa resulta ng Spheres Research Services Inc. na inilabas noong October 21.
Nanguna si Cayco na may 32% voter support, habang dikit na sumunod si de Sagon sa 31%, isang percentage point lamang ang agwat ng dalawa. Nasa third place si Luis Abad na may 15%, at panghuli si John Gato na may 10%.
May 12% naman ng respondents ang undecided pa kung sino ang kanilang iboboto.
Batay sa survey na isinagawa noong October 10-15 sa 600 registered voters sa buong lalawigan, mas malakas ang suporta kay de Sagon sa younger voters na edad 18-30, kung saan nakakuha siya ng 35% laban sa 27% ni Cayco.
Sa kabilang banda, mas marami namang supporters si Cayco sa voters aged 60 and above, na may 35% kumpara sa 25% ni de Sagon.
Sa age group na 31-45, nanguna rin si de Sagon sa 33% laban sa 26% ni Cayco. Ngunit sa age group na 46-59, lamang si Cayco sa 33% kumpara sa 26% ni de Sagon.
May margin of error na plus or minus 4 percentage points ang survey, kaya hindi pa maituturing na tiyak ang kasalukuyang ranking ng mga kandidato.
Tinanong din ang respondents tungkol sa pangunahing dahilan sa pagpili ng kandidato. Nanguna ang desire for change/new leadership (27%), kasunod ang access to government services (17%), transportation services (15%), West Philippine Sea (13%), internet services (12%), affordable housing (9%), at other reasons (7%).
Sa nalalapit na special election, ipinapakita ng survey ang tight race sa pagitan ng dating gobernador at retiradong opisyal ng Navy, habang nananatiling mahalagang factor ang undecided voters. RNT