Home METRO Ex-kagawad todas sa pamamaril

Ex-kagawad todas sa pamamaril

204
0

BACOLOD CITY- Patay sa pamamaril ang isang 62-anyos na dating barangay councilor o kagawad sa Zone 1, Barangay Handumanan sa lugar na ito nitong Lunes.

Kinilala ang biktimang si Henry Salbibia ng Barangay Blumentritt, Murcia, Negros Occidental, caretaker ng isang non-government organization na nakabase sa lungsod na ito.

Sinabi ni Police Capt. Sherwin Galupar, pinuno ng Police Station 10, minamaneho umano ng biktima ang kanyang motorsiklo nang sundan ito ng isang hindi nakilalang indibidwal na sakay din ng motorsiklo at nakasuot ng helmet at jacket.

Inunahan ng gunman ang biktima at pinagbabaril ito sa ulo, ayon kay Galupar, batay sa kopya ng closed-circuit television camera footage.

 Narekober mula sa crime scene ang ginamit na bullet shell.

Sinabi ni Galupar na tumakbo sa reelection ang biktima sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa Barangay Blumentritt subalit natalo ito.

Anang mga pulis, mayroon na silang person of interest at nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here