Home NATIONWIDE Ex-mayoralty candidate ng Baguio arestado ng NBI

Ex-mayoralty candidate ng Baguio arestado ng NBI

MANILA, Philippines- Isang dating kandidato sa pagka-alkalde sa Baguio City ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) .

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago sa isang pahayag na ang pag-aresto Kay Mark Andrew Directo ay nag-ugat sa patong patong na reklamong estafa dahil sa falsification ng mga dokumento laban sa kanya.

Ayon sa NBI, sa nasabing reklamonay inakusahan si Directo
ng pagpapanggap umano na nagmamay ari sya ng ilang condominium buildings at villas sa Clark Freeport Zone at Baguio City na kanyang ibeventa para may magamit na pondo sa kampanya

Pinangakuan umano nito ang mga complainant na bibigyan ng bahagi sa kikitain ng ilang proyekto nito sa Clark Freeport Zone at Baguio City kapalit ng pagpondo sa kanyang mayoralty bid.

Ayon sa NBI, may warrant of arrest na rin laban kay Directo na inisyu ng Baguio City RTC kung saan may nagsampa na rin sa kanya ng kasong estafa.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)