Home ENTERTAINMENT Liza, ginamit ulit ang dating pangalan, tsinugi na ang ‘Hope’?

Liza, ginamit ulit ang dating pangalan, tsinugi na ang ‘Hope’?

Manila, Philippines- Karangalang maituturing ni Liza Soberano to have been with her fellowmen during her ceremonial first pitch at the Los Angeles Dodgers-New York Mets game para sa Filipino Heritage Night.

“Honored” ang salitang ginamit ni Liza.

Pero ang obyus na mas napansin ay ang paggamit niyang muli ng “Liza Soberano” sa kanyang post.

Marami tuloy ang nagtatanong kung napaano na ang name na Hope which Liza used when she set foot on Hollywood?

Matatandaang kasabay ng pagkalas ni Liza sa manager niyang si Ogie Diaz at bilang Star Magic artist, she opted to try building a career in the US.

Nauna muna niyang “ni-repackage” ang kanyang sarili by renaming herself Hope.

Maaalalang naging kontrobersyal ang paggamit niya ng screen name as she was made to decide which name she wanted to use–Liza ba o Hope?

Deep within pala back here ay gusto niyang gamitin ang Hope.

Nang ipagamit naman ang Liza sa kanya ay hindi siya pumalag until she left local showbiz to pursue her Hollywood dream.

Kalabisan na sigurong sabihing “nganga” si Liza sa Hollywood.

At dahil hindi nga siya tinanggap doon bilang Hope, hayun, balik-Liza siya uli ngayon!

Na-realize din kaya ‘yon ni Liza silently to herself? Ronnie Carrasco III