Manila, Philippines- Palibhasa napapaligiran ng mga baklang kaibigan, katrabaho at maging kakilala lang, na-adopt na rin ni Ai Ai de las Alas ang ugali’t behavior ng mga ito.
Pag kausap mo nga ang Comedy Queen, bakla rin siya kung magsalita.
Kaya it may be politically correct to say: “It takes one to know one.”
Alam mangilatis ni Ai Ai kung sino ang tunay na macho sa hindi.
Tulad na lang daw ng naging nobyo noon ng kanyang anak na si Sophia.
One time daw ay hinarap niya ito: “Bakit ‘yung boyfriend mo, parang bakla? Malambot!”
Nainis daw ang anak dahil sa kanyang pamimintas: “Lagi ka lang may pintas!”
“Sige, tingnan natin,” parang naghahamon na sabi ni Ai Ai kay Sophia.
True enough, in six months daw ay hiwalay na ang mga ito.
Sey ni Ai Ai, alam naman daw ng anak ang karakas ng nobyo nito: “Dahil in love, nagtatanga-tangahan!”
Wala rin daw iniwan ‘yon sa ugali niya when in love, kesehodang suwayin na niya ang kanyang ina.
But being a mother herself later on ay doon lang napagtanto ng komedyana ang tinatawag na mother’s instinct.
Sa dulo ng lahat, totoo ang kasabihang “Mother knows best.” Ronnie Carrasco III