Home NATIONWIDE Ex-Palawan Gov. Joel Reyes sumuko sa NBI

Ex-Palawan Gov. Joel Reyes sumuko sa NBI

MANILA, Philippines – Sumuko na sa National Bureau of Investigation si dating Palawan Governor Joel Reyes na nasasangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Gerardo Ortega noong 2011.

Sinabi sa ulat na sumailalim si Reyes sa mga kinakailangang proseso habang naka-confine sa isang ospital dahil sa kanyang kondisyong medikal.

Si Ortega ay binaril sa Puerto Princesa City ilang sandali matapos ang kanyang morning broadcast sa radyo. Matindi siyang kritiko ng mga diumano’y tiwaling lokal na opisyal sa Palawan at tutol sa mga proyekto ng pagmimina sa lalawigan.

Kinilala si Reyes bilang mastermind sa pagpatay kay Ortega.

Tumakas si Reyes sa bansa noong 2012 kasama ang kanyang kapatid na si incumbent Coron Mayor Mario Reyes. Inaresto sila sa Thailand noong 2015 ngunit nagpiyansa noong 2018.

Tumakbo sila sa pwesto noong 2022 election, ngunit natalo si Reyes bilang gobernador.

Iniutos ng Korte Suprema ngayong taon ang muling pagdakip kay Reyes, na nahaharap din sa magkahiwalay na kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa Malampaya at fertilizer fund scam. RNT