MANILA, Philippines – Nasa kustodiya dapat ng Bureau of Immigration (BI) si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang BI ang nararapat na humawak kay Guo dahil ang Immigration case ang una sa lahat ng mga kasong nakasampa laban sa sinibak na alkalde.
“In fact, an immigration case is non-bailable. Basta ganyan ang kaso, walang bail yan. Kaya nga ang tingin ko, when everything clears up already, it will have to be with immigration and immigration will just have to seek our permission to bring her to court anytime,” ani Remulla.
Bukod sa immigration case, ilalabas na rin ng panel of prosecutors ang desisyun sa kasong qualified trafficking laban kay Guo.
Ito ay matapos tangihan ng panel ang kahilingan ni Guo na buksan muli ang preliminary imvedtigation sa kaso.
Nababahala din si Remulla sa maaring impluwensya pa ni Guo sa Tarlac sa gitna ng isinampang graft case sa Tarlac Regional Trial Court sa halip na sa Ombudsman.
Nakipag-ugnayan na si Remulla sa Ombudsman upang maayos ang sitwasyon.
Mayroon din aniyang implikasyon sa national security ang kaso ni Guo partikular ang pagkakaroon ng pekeng pasaporte.
“May national security implication talaga ang problema ng fake passports at mga aliens who get hold of Filipino identity documents, kasi nga, this is very possible, na may espionage act ito,” dagdag ng kalihim. Teresa Tavares