MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. bilang Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Papalitan ni Acorda si PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.
Matatandaang nagsilbi si Acorda bilang hepe ng PNP mula April 2023 hanggang March 2024. Miyembro siya ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991 at naging Director ng PNP Directorate for Intelligence bago italaga bilang PNP Chief.
Si Cruz, dating Philippine National Police Academy (PNPA) chief, ay itinalaga bilang PAOCC Undersecretary noong January 2023.
Nilikha ang PAOCC sa ilalim ng Executive Order No. 295 noong 2000 at itinalaga upang magsagawa ng epektibo at episyenteng anti-crime drive, kabilang ang pagtukoy at paglitis sa criminal groups at kanilang protektor sa gobyerno sa pamamagitan ng intelligence at counterintelligence efforts.
Ayon sa direktiba ni Pangulong Marcos, pangungunahan ng PAOCC sa ilalim ni Cruz ang paglansag sa Philippine Offshore Gambling Operations (POGO) bunsod ng sunod-sunod na human trafficking at iba pang kriminal na gawain. Kris Jose